Sinabi ko na sa sarili ko na hindi ako magsusulat sa lenguaheng Pilipino dahil sa may gamay ko ang estilo ng pagsulat sa Ingles sa parehong texto at kontexto nito, at dahil sa personal na dahilan, na hindi ako susulat para sa kahit kanino kundi para lamang sa aking pansariling ksaiyahan lamang. Pero iba ito sa lahat ng ibang isinulat ko. Hindi ito para sa akin kundi para sa Lahat ng makakabsaa nito, na kung mabasa at maunawaan ang talatang ito ay maramdaman din niya ang dahilan kung bakit kailangan kong isulat ang binabasa mo ngayon.
Nakapanood ka ba ng TV? Hindi ko tatanungin sayo kung ano na ang nanyari sa telenovela mo o kung sino ang nanalo sa boxing, wala din akong pakialam sa bagong MTV na napanood mo, kahit kung commercial man lang, ilipat mo naman sa balita, oo kahit CNN o newsflash man lang ok na, basta manood ka na, at itabi mo muna yang remote na hawak mo.
Nakapagbasa ka na ba ng diyaryo? Hay naku, paki tabi muna yang horoscope at komiks please, mamaya mo na isipin yang crossword na yan at makapaghihintay yang Xerex at hindi naman magdadamit Filipiniana yang centerfold ng FHM kung ilalapag mo lang ng ilang minuto. Mamaya ka na din maghanap ng trabaho, bahay, Apartment,escort service, taga punas ng pwet ng aso mo at kung ano man yang binubutingting mo dyan, oo alam ko sinisipag ka pero dedemonyohin muna kita para sa pansarili mong kapakanan, kumuha ka na ng kape at humanap ng magandang pwesto, heto na ang diyaryo.
At sa mga nag lalaro ng PS2, PC, Atari at Bey blade dyan magsave na at ibaba ang mga controller na hawak nyo, sa mga nagbabasketbol, tennis, golf, at black 123 dyan pahinga muna din kayo kahit na amoy suka at tubig dagat na kayo makisawsaw muna kayo sa mga nanonood ng TV at nagbabasa ng diyaryo diyan. Malay niyo kung magpapatuloy ang mga pangyayari sa kasalukuyan e mawalang silbi na ang inyong Telebisyon at parang bond paper na lang ang mabili mong magazine, at sa huli pati ang paghinga mo e kaya nang putulin lang ng kung sino na parang hindi ka nagbayad ng bill sa kuryente.
Nanonood o nagbabasa ka na ba, Ano na nga ba ang nangyayari ngayon? Alam mo na ba tinutukoy ko? O sige para sa walang common sense o mahina ang mata, e2 anibersaryo na ng EDSA I, anong espesyal dito? Wala naman masyado, lahat naman siguro tayo nakakaita na o nakachismis na ng welga, rally, o ano pang tawag niyo diyan. Kung wala kang pakialam sa dinamidami nang rally na nakita mo, hindi kita pipilitin at masisisi kasi nakakasawa naman talaga, pero kung dati ay hindi mo napapansin at nararamdaman ng pagkawalan ng kalayaan, tama muna ang dedmahan natin kasi kailangan ko kayo, kasi apektado din ako, malapit na mawala ang karapatan kong maging manhid at maging masaya. Di ba parehas lang tayo makikinabang?
O sige, pare-pareho naman tayong sandali lang ang attention span dito heto na ang summary: Nagkakagulo na ang Pilipinas, mula pa nung mapansin kong: 1. Pilipino ako 2. Wala akong ginagawa para baguhin to. Malamang ang unang reaksyon nyo e, “Eh, ungas ka pala eh, wala naman tayong kinalaman diyan, at ano naman ang magagawa ko diyan?” Sasabihin ko lang ang naisip kong sagot sa tanong na yan ng habang naglilibang din ako tulad nyo sa MTV at FHM ay nalingat ako at parang binuhusan ng malamig na tubig na may piranha, bigla akong natauhan. Dahil Pilipino ako, hindi ko karapatan ang magkaroon ng pakialam, Dapat lang may pakialam ako dahil Pilipino ako.
Kung tatanungin nyo na kung ano ginawa ng Pilipinas na maganda para sa inyo e, uunahan ko na kayo sa pagsagot ng isang malutong na, WALA!, wala, wala at higit sa lahat e, wala. Sa Pilipinas ako pinanganak na malnourished, pinagpasapasahan, nadapa, tinapakan, bumangon at tinulak ulit at pinagtawanan at pinandilatan ng lipunan. Hindi ko rin makakalimutan na sa Pilipinas ako namulat sa kasamaan ng tao, namulat sa sarili kong kasamaan, dito ako naholdap, nadukutan, tinankang patayin, muntik nang mamatay, abusuhin ng may kapangyarihan, at nagbabadyang ma-rape, mamatay sa stampede, ma-salvage, maghirap, mamatay sa gutom o sa kamay ng adik, at kainin ng lupa at maging pagkain na ng mga bulate.
Pero alam ko din na humihinga ako dahil sa hangin ng Pilipinas, wag nang pansinin kung polluted pa yan, Naglalakad at naglalaro sa lupa ng Pilipinas, di bale na din kung matisod ka sa mga lubak o makatapak ng tae. At higit sa lahat dito nakatirik lahat ng gawa ng mga taong naglalagi dito sa Pilipinas, kung wala ang Pilipinas hindi ka makakapag shopping sa mall, makakapaglaro ng Ragnarok at Freestyle, Makakakain ng ice cream at pasta, Hindi ka makakapanood ng play o makakapunta sa gimikan, bar, disco o motel kung hindi itatayo ang mga ito sa pilipinas. Ngayong alam ko na ang mga iyon eh, matibay na ang aking paniniwala na, wala nga akong dapat ipagpasalamat sa kumag na Pilipinas na toh. Pero may isang bagay na dapat naunawaan o na-gets natin sa Pilipinas habang tayo ay abala sa lahat at anumang bagay na inaatupag natin. Humihingi ng tulong sa atin ang Pilipinas, ang tanong ko ngayon, ano na ba ang ginawa mo? Oo ikaw nga na nagbabasa nito, isamamo na rin yung mga namamanhid na ang pwet sa tapat ng TV at mga hindi na lumabas sa CR habang nagbabasa ng FHM.
Kung tatanigin mo ako kung ano nga ba ang pwede mong gawin, mas mabuti pang panoorin mo na lang tumubo ang damo dyan sa bakuran mo o pakinggan ang huni ng electric fan at aircon kasi wala akong maisasagot as inyo. Kanya kanyang diskarte na lang to tol’. Pwede kayong mag pakamartir at matulog na kasama ng ibang bayani sa paglalagay ng bulls-eye sa likod nyo at “Fuego” na ang huling salita na gugulat sayo. Pwede kang magatayo ng babasahing tumutuligsa sa mga kasamaan ng lipunan tulad ng kahirapan, corruption,at mga corny jokes at chicksilog. Kung gusto mo lagyan mo na din ng centerfold ni Paris Hilton na nakaliyad, para mas malalong maginit ang dugo ng mga mambabasa mo. Tapos pag pinasara ka, ng mga nabitin mong mambabasa ang magsisimula ng WWIII. Basta may impact, gumagawa ng lamat sa styrofoam na balat ng lipunan, hindi mo kailangan baguhin ang kasaysayan sa isang hawi lang ng iyong kamay pero hindi pa tapos ang kwento mo at ng Pilipinas na palamunin ka at alila mo, bahala ka na magsulat ng sarili mong kwento. Ang alam ko lang kung may nagbabasa man nitong textong ito e bahala na kayo kung ililipat nyo na ng channel ang pinapanood nyo o itutuloy nyo na ang pagbabasa niyo sa banyo, dahil ito ay hindi lang para sa iyo at sakin, ito na ang hawi ng aking kamay, sisimulan ko nang baguhin ang kasaysayan, ikaw ano na ang balak mo?
“..Gumising na mga Ubeng, hukayin ang nakalibing, na alay mo.”
-Dicta license”Alay sa nagkamalay noong dekada 90.”
-Oscar